Miyerkules, Pebrero 8, 2017

''Susi ng tagumpay sa mga kabataan''


Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan . Isang sikat na pahayag ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang kabataan ay ang magbibigayvng buhay at pag-asa para sa maunlad na kinabukasan. Kabataang busog sa pagmamahal at aral ng buhay. Ngunit, sapat ba ang mga ito para sa tagumpay ng isang kabataang tulad ko na nagsisimula pa lamang sa pakikibaka? Maituturo ba ng aking pagmamahal na maglingkod ng maayos para sa aking bayan? Sapat ba ang mga aral ng buhay upang ako'y makapagtrabaho ng marangal at maging isang mabuting mamamayan? Parang may kulang diba? Tama. Hindi kumpleto ang pag-unlad ng isang tao kung walang edukasyon natatamo, sapagkat ito ang 'stepping stone' ng isang bata. Ang simula ng lahat ng kaalamaan mapa-akademiks o di-akademiks na pag-aaral, ang naghuhubog sa kabataan upang maging isang mabuting mamamayan. Naglilinaw, nagbibigay dahilan at naglalahad ng mga bagay-bagay na sumasagot sa bawat kuryusidad ng kabataan. Nagbubukas ng pinto para sa iba't-ibang opsyon tungo sa magandang kinabukasan.